SC ruling sa BSKE inapela

MANILA, Philippines — Humirit si election lawyer Romulo Macalintal sa Supreme Court (SC) ng partial reconsideration kaugnay ng desisyong nagpalawig sa limang taong termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) at naglipat ng BSKE sa Nobyembre 2028.
Sa kanyang mosyon, hiniling ni Macalintal na kilalaning konstitusyonal ang kapangyarihan ng Kongreso na pahabain ang termino ng mga opisyal, ngunit ideklarang labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban ng nakatakdang BSKE noong Nobyembre 2026.
Sinabi niyang isang “win-win solution” ito dahil mapananatili ang kapangyarihan ng Kongreso habang maibabalik ang karapatan ng mga botante na makapili ng kanilang mga lider.
Noong Nobyembre 6, ibinasura ng SC ang petisyong kumukuwestiyon sa Republic Act No. 12326, na nagpalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at SK sa limang taon at nagtakda ng susunod na BSKE sa Nobyembre 2028.
- Latest
















