^

Bansa

Speaker Dy, pinuri ng Senior Citizens Party-list

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpasa ng 654 panukala

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III matapos maipasa ng Kamara ang 654 legis­lative measures, kabilang ang 448 panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal sa flag-raising ceremony ng Kamara nitong Lunes, Nobyem­bre 9, kinilala rin ni Ordanes ang pagkilos ng Kongreso sa 32 sa 61 priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Pinasalamatan din ng kongresista si Dy, ang mga mambabatas, opis­yal ng secretariat at mga kawani sa pangunguna ni Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil dahil sa kanilang dedikasyon at ambag sa pagpapatupad ng mga tungkulin ng Kamara.

Kasabay ng pagbabalik ng sesyon, nangako si Ordanes ng patuloy na pakikipagtulungan at pananagutan sa pagsusulong ng mga batas na tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“Ang aking taos-pusong pasasalamat at paghanga sa liderato ni Speaker Bojie Dy at Sec. Gen. Cheloy Garafil sa pagpupursige na maisakatuparan ang mga angkop na panukalang batas para sa ating mga kababayan,” ani Ordanes.

SENIOR CITIZENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with