Bea, tatrabahuhin na rin ang baby

Bukod sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geromino and their respective families at malalapit na kaibigan, sobrang natutuwa ang loyal supporters ng dalawa dahil sa wakas ay matutupad na rin ang kanilang pagiging first-time parents when Sarah gives birth sa kanilang unang baby na nakatakda umanong isilang sometime in December this year na unang napabalita rito sa PSN.
Sina Matteo at Sarah ay ikinasal nung February 20, 2020 sa isang intimate Christian wedding in Bonifacio Global City (BGC) officiated by Pastor Paolo Punzalan, ang nakababatang kapatid ng LA-based veteran actress na si Princess Punzalan.
Hindi pa man tuluyang natatanggap si Matteo ng parents ni Sarah, pasasaan ba’t matututo rin siyang (Matteo) tanggapin at mahalin ng mag-asawang Delfin at Divine Geronimo.
Samantala, ang magiging first baby ng mag-asawang Matteo at Sarah ay magiging pangatlong apo ng parents ni Matteo na sina Gianluca at Glenna Fernan-Guidicelli at unang apo naman ng parents ni Sarah.
Ang elder sister ni Matteo na si Giorgina Guidicelli-Dato at ang mister nitong abogado at DOJ Undersecretary na si Ian Dato ay may dalawang anak na parehong babae na sina Gianna (5) at Vivi (3).
Ayaw pang i-reveal ng celebrity couple kung boy or girl ang kanilang magiging unang baby.
At hindi pa nga nila sinasabi officially na magkakaanak na sila.
Samantala, baby rin ang tatrabahuhin ng mag-asawang Vincent Co at Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Tatapusin lamang umano ni Bea ang kanyang ginagawang teleserye at isang pelikula at pagkatapos ay saka umano ito mag-slow down upang harapin ang pagkakaroon nilang mag-asawa ng baby.
Hindi pinagbabawalan si Bea ng kanyang businessman husband na si Vincent na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career, pero si Bea na mismo ang nagdesisyon na gusto umano nitong maghinay-hinay lalupa’t mahigit 26 years na rin siyang nagtatrabaho since age 13.
Although dumaan sa matinding kontrobersiya ang planong pagpapakasal nina Vincent at Bea na mangyayari sana sa Spain, isang simple and very intimate wedding ang nangyari last July 2026.
They way people see it, mukhang walang plano ang mag-asawa na magkaroon pa ng bonggang kasalan sa hinaharap.
- Latest

























