Palasyo dumipensa sa pag-aprub ng taas-pasahe
MANILA, Philippines — Dinepensahan kahapon ng Malacañang ang ginawang pag-apruba ng pamahalaan ng pisong taas-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) dahil layunin nitong matulungan ang mga tsuper at operatos na makayanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina nang hindi naman labis na mabigatan ang mga commuter.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire na Castro, na inaprubahan ang fare increase dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina na iniuugnay sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Mas mababa aniya ang inaprubahang dagdag pasahe kumpara sa hinihingi ng mga grupo ng transportasyon at pinag-aralan at itinakda ito para isaalang alang ang kapakan ng mga tsuper at mga commuter.
Giit pa ni Castro na sa kabila ng pagtaas ng pasahe, patuloy pa rin ang fuel subsidy ng pamahalaan para sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon.
Naghahanda na rin aniya ang pamahalaan ng karagdagang tulong para mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa mga sektor na higit na pangangailangan ng suporta.
- Latest




















