^

Punto Mo

Tres Queridas (19)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INAKAY ni Diana si Lani pabalik sa kotse. Isinarado niya ang mga bintana at ibinigay ang susi sa nanginginig nitong mga kamay.

“Dito ka lang, Lani. I-lock mo ang pinto mula sa loob,” utos ni Diana bago humarap kay Celeste.

Hawak ang isang mabigat na heavy-duty flashlight at ang mahabang payong mula sa trunk, dahan-dahang pumasok sina Diana at Celeste sa paanan ng parola. Binalot sila ng madilim at kinakalawang na amoy ng spiral staircase.

Tuk... tuk... tuk... Mabagal at maingat ang bawat hakbang nila paakyat sa makipot na hagdanan. Sa bawat ikot ng pader, tila sumasabay ang kabog ng kanilang mga dibdib sa malakas na hampas ng hangin sa labas. Pagdating nila sa pinakataas na pintuan patungo sa balkonahe, dahan-dahang itinulak ni Diana ang bakal na pinto.

Walang tao. Tanging ang malakas na hangin mula sa dagat ang sumalubong sa kanila.

Ngunit sa gitna ng silid ng parola, sa ibabaw ng isang lumang kahoy na mesa, may nakapatong na maliit na transistor radio, patuloy na nagpapatugtog ng kantang “Love Is All That Matters” na narinig nila kanina sa kotse.

Lumapit si Celeste sa mesa. Napatigil siya, nanlaki ang mga mata, at dahan-dahang napahawak sa kanyang dibdib. Sumama sa malamig na hangin ang isang napakapamilyar na halimuyak.

Hindi amag, hindi maalat na dagat, kundi ang amoy ng sandalwood at bergamot. Ang paboritong imported na pabango ni Carlo na tanging sa mga espesyal na okasyon lang nito ginagamit.

“Amoy...” sabi ni Celeste, bahagyang na­nginginig ang boses habang nakatitig sa mesa. “Amoy ng paboritong pabango ni Carlo.”

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with