^

Probinsiya

Gold trader hinataw ng bakal sa ulo, pinagnakawan

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang gold trader ang sugatan nang kuyugin ng apat na lalaki at paghahatawin ng tubo sa ulo saka pinagnakawan, habang hinihintay nito ang kanyang ka-meet-up sa gold transaction, sa Brgy. Capipisa, Tanza, rito sa lalawigan, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas ang biktimang si alyas “Ed” habang inaalam na ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek na tumakas.

Sa ulat ng pulisya, alas-6 nang gabi, nagtungo ang biktima sa nasabing lugar upang makipagkita sa kanyang katransaksyon na si alyas “Jessa” sa bentahan ng gold.

Gayunman, biglang dumating ang apat na lalaki at agad siyang kinu­yog. Hindi na nakalaban ang biktima nang bigla na siyang pagtulungang paghahatawin ng tubo sa ulo. Bumagsak ang biktima at dito na hinablot ng mga suspek ang bag nito na naglalaman ng pera, mga dokumento, IDs, at cellphone saka mabilis na tumakas.

Isinugod ang biktima sa Tanza Doctors Hospital na nasa ligtas nang kalagayan. 

Inaalam ng pulisya kung kasabwat ng mga suspek ang babaeng katagpuan sana ng biktima.

TANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with