^

Probinsiya

Lalaking armado nanagasa sa checkpoint, arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lalaking armado nanagasa sa checkpoint, arestado
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos na tangkaing sagasaan ang checkpoint at nakumpiskahan ng suspected shabu at iligal na baril kamakalawa ng gabi sa ­Barangay Zone 2, Atimonan, ­Quezon. 

Base sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang suspek na si “Jero,”may sapat na taong gulang. 

Ayon sa imbestigas­yon, nakatanggap ang Atimonan Police ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang kahina-hinalang lalaki na may nakasukbit na baril sa beywang habang nakasay sa motorsiklo.

Agad na nagtungo sa lokasyon ang mga awtoridad upang magsagawa ng beripikasyon.

Sa halip na sumunod nang pinara ng mga pulis, tinangka pa umano ng suspek na sagasaan ang mga ope­ratiba gamit ang kanyang motorsiklo subalit mabilis siyang napigilan at tuluyang naaresto. 

Narekober mula sa pag-iingat ni “Jero” ang isang kalibre .9mm na baril na may lamang dalawang pirasong live ammunition; 2-sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.9 gramo at P40,120 ang halaga.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with