Lachica, Madriaga laglag bilang testigo ng prosekusyon

MANILA, Philippines — Hindi na ipapatawag ng House prosecution panel sa witness stand ng Senate impeachment trial sina dating OVP chief security officer Col. Raymund Dante Lachica at si Ramil Madriaga, na kilalang self-confessed bagman ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay panel adviser at tagapagsalita Ace Barbers, “Si Colonel Lachica ay hindi na, at si Mr. Madriaga ay hindi na.”
Matatandaan na iniutos ng impeachment court ang pagpapalabas ng subpoena para sa iba pang testigo kabilang sina dating DepEd special disbursing officer Eduard Fajarda, asawa niyang si dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Cherry Fajarda, COA employee Bresilio Sabaldan, Police Maj. Jovelyn Magay, at PSA official Marizza Grande na nakatakdang tumestigo sa susunod na linggo.
Paliwanag ng mambabatas, nakatuon ang kaso sa pananagutan ng Bise Presidente at kung karapat-dapat pa itong manatili sa puwesto, hindi sa pananagutan ng mga dating opisyal sa kanilang nagawa.
- Latest


















