^

Bansa

OCTA: Pinoy na nagsabing mahirap sila, nabawasan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinukonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap.

Batay sa Tugon ng Masa (TNM) Survey para sa unang bahagi ng 2026, na isinagawa ng OCTA Research, mula sa dating 9.8 milyon noong Disyembre 2025, ay bumaba na lamang sa 9.2 milyon, o mula 37% ay naging 35% na lamang ang self-rated poverty sa mga pamil­yang Pinoy bago naganap ang global oil price shock kaugnay ng tensiyong nagaganap sa Gitnang Silangan.

Nasa 24% naman ng respondents ang nagsabi na sila ay hindi mahirap o ‘not poor,’ habang 41% ang hindi makapagsabi kung sila ay mahirap o hindi mahirap.

Nananatili namang pinakamataas ang self-rated poverty sa Min­danao (56%), sinundan ng Visayas (44%).

Sa socioeconomic class, ang self-rated po­verty ay mas mataas sa lower-income households kung saan 58% ng Class E families ang nagsabing sila ay mahirap, kumpara sa 35% sa Class D at 15% sa Class ABC.

Ang mga pamilyang nagsabing sila ay ‘food poor’ ay kakikitaan ng bahagyang paggalaw, matapos na bahagyang tumaas mula sa 30% hanggang 31% o na nasa 8.1 milyong pamilya.

Ang mga pamilya naman na nagsabing nakaranas sila ng ‘involuntary hunger’ ay naitala sa 17% o 4.5 milyong ­pamilya noong Marso 2026, kumpara sa 16% o 4.2 milyong pamilya noong Disyembre 2025.

Ang non-commissioned survey, na isinagawa mula Marso 19 hanggang 25, 2025, ay nilahukan ng 1,200 res­pondents na nagkakaedad ng 18 taong gulang pataas, babae at lalaki, na isinailalim sa face-to-face interviews sa National Capital Region (NCR), Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

OCTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with