^

Bansa

PhilSA nag-warning vs debris ng China rocket

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PhilSA nag-warning vs debris ng China rocket
(FILES) In this file photo taken on April 29, 2021, a Long March 5B rocket, carrying China's Tianhe space station core module, lifts off from the Wenchang Space Launch Center in southern China's Hainan province.
AFP / STR

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad muli ng China ng LLong March 7A rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Wenchang, Hainan nitong Miyerkules ng umaga.

Bunga nito, nagbabala ang PhilSA na posibleng malaglag ang debris sa ilang tinukoy na drop zone partikular na malapit sa Ilocos Norte, Camiguin Norte at Cagayan.

Ayon sa PhilSA, ang debris ng rocket ay may posibilidad na bumagsak sa karagatan ng hilagang Luzon matapos itong ilunsad dakong alas-6:40 ng umaga mula sa Hainan.

Tinukoy ng PhilSA na ang unang drop zones ay nasa 45 nautical mile ang layo sa hilagang kanluran ng Burgos, Ilocos Norte at 67 sa hilagang kanluran ng Dalupiri Island, Cagayan habang ang ikalawang drop zone ay na sa 64 milya sa hilagang silangan ng Sta. Ana, Cagayan at panghuli ay 76 nautical mile sa silangan ng Camiguin Norte.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang PhilSA na ang hindi nasunog na debris na bumagsak sa karagatan ng hilagang Luzon ay delikado sa maritime vessels at maging sa mga aircraft sa bisinidad ng mga tinukoy na drop zones.

“Unburned debris from rockets, such as the booster and fairing, are designed to be discarded as the rocket enters outer space”, anang PhilSA na iginiit na bagaman hindi bumagsak sa kalupaan ang debris ay delikado ito sa mga sasakyang pandagat, aircraft, bangkang pangisda at iba pang mga vessels na magdaraan sa paglalayag sa drop zones.

Samantalang pinayuhan rin ng PhilSA ang mamamayan na huwag lumapit sa debris kung makita itong lumulutang sa karagatan dahil sa posible nitong taglay na lason at agad itong ireport sa mga awtoridad.

PHILSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with