^

Bansa

CHR bigyan ng ‘full fiscal autonomy’ - Lapid

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
CHR bigyan ng �full fiscal autonomy� - Lapid
Senator Lito Lapid

MANILA, Philippines — Bilang paggunita sa International Human Rights Day (Dec. 10), nanawagan si Sen. Lito Lapid sa agarang pagpasa ng panukalang batas na magpapalakas sa Commission on Human Rights sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kasarinlan nito bilang isang institusyon.

Ginagarantiyahan ng Senate Bill No. (SBN) 2487 ang full fiscal autonomy ng CHR “upang matiyak ang agaran at walang limitasyong pagtupad sa mga tungkulin nito.”

Ayon kay Lapid, ang pondo para sa Komisyon ay hindi dapat bawasan at dapat ay awtomatiko at regular na ilalabas.

“Kailangan ng bansa ang isang CHR na tunay na independyente at may ganap na awtonomiya. Ngayon, higit kailanman, kailangan natin ng isang mas aktibong CHR, na hindi humahangga lamang sa imbestigasyon o na hindi kumikilala ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao maliban sa mga kinasasangkutan ng mga karapatang sibil at pulitikal. Kailangan natin ng CHR na magtatanggol at magtataguyod ng karapatang pantao ng lahat, lalo na ng mga mahihina, mahihirap, at marginalized na sektor ng lipunan,” giit ni Lapid.

Sa ilalim ng panukala, isa sa mga tungkulin ng CHR ay magbigay ng proteksyon sa mga saksi at tagapag-tanggol ng karapatang pantao laban pagbabanta.

Inaatasan ang CHR na magbigay ng tulong legal para sa mga kapus-palad na biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao.

vuukle comment

CHR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with