^

Bansa

NCR 'family living wage' nasa P1,164 kada araw, malayo pa rin sa minimum

James Relativo - Philstar.com
NCR 'family living wage' nasa P1,164 kada araw, malayo pa rin sa minimum
Marlene Cenina, 39, sewer, works making Personal Protective Equipment (PPE) for frontliners, in Cainta, Philippines, on April 24, 2020 during the COVID-19 coronavirus pandemic.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nasa P1,164 kada araw na sahod ang kinakailangan ng isang pamilyang may limang miyembro para mabuhay nang "disente" sa Metro Manila — ito'y kahit tinaasan na nang bahagya ang minimum wage sa rehiyon, ayon sa IBON Foundation.

"The National Capital Region family living wage (FLW) as of July 2023 is P1,164 per day or P25,327 per month," wika ng economic think tank sa isang pahayag, Martes.

"Despite the recent wage hike effective mid-July, the NCR nominal wage of P610 is 47.7% short of the regional FLW."

Inestima sa naturang FLW ang mga pang-araw-araw na gastusin gaya ng:

  • pagkain
  • upa sa bahay
  • tubig, kuryente, gas
  • iba't ibang serbisyo
  • transportasyon
  • komunikasyon
  • kalusugan
  • damit
  • edukasyon
  • nakalalasing na inumin
  • special family occassions
  • recreation and culture
  • savings
  • atbp.

Matatandaang ika-16 ng Hulyo nang aprubahan ng regional wage board ang P40 umento sa sahod sa National Capital Region, bagay na sinasabing pakikinabangan ng 1.1 milyong katao.

Dahil dito, lumalabas na P554 kada araw na sahod ang kulang sa minimum wage sa NCR — lugar kung saan pinakamataas ang sahod sa Pilipinas — para makasapat sa "disenteng" pamumuhay.

Mas mababa ang minimum na pasahod sa mga rehiyon labas sa NCR.

"The NCR minimum wage still falls short of the regional family living wage (FLW) despite the recent wage hike. Across the regions, minimum wages are likewise insufficient compared to the regional FLW," dagdag pa ng IBON.

"The biggest FLW-nominal wage gap is in [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] with only P341 in nominal wages versus a P1,947 FLW."

Una nang nagbabala ang ilang ekonomista na maaaring mapataas ang inflation rate, o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin, oras na magdagdag ng sahod. Pero sa kabaliktaran pa nga ang nangyari: lalo pa itong bumaba 4.7% nitong Hulyo.

Ilang progresibo na at analyst ang nagsabing hindi makasasama nang husto sa ekonomiya ang sahod sa "nakabubuhay" na lebel lalo na't magkakaroon lalo ng pera ang publiko na gastusin nna siyang ibabayad sa mga produkto't serbisyo.

vuukle comment

ECONOMY

FAMILY LIVING WAGE

IBON FOUNDATION

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with