^

Bansa

Utang ng gobyerno lumobo sa P14.15-T, 'record-high' uli

James Relativo - Philstar.com
Utang ng gobyerno lumobo sa P14.15-T, 'record-high' uli
Litrato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Hulyo 2023
Released/Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Lalong tumaas ang pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas sa P14.15 trilyon sa pagtatapos ng Hunyo 2023 ayon sa Bureau of Treasury, Martes, ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Ito'y matapos itong madagdagan ng P51.31 bilyon o 0.4% kumpara noong Mayo, primarya dahil sa pagbenta ng gobyerno ng mga securities kagaya ng Treasury bonds at bills.

Narito ang mga pinanggalingan ng kabuuang debt stock ng national government, ayon sa Treasury:

  • utang panlabas: P4.45 trilyon (31.4%)
  • utang panloob: P9.7 trilyon (68.6%)

Tumaas ng 1.2% kumpara noong Mayo 2023 ang domestic debt noong Hunyo dahil sa net issuance ng government bonds na siyang tinutulak ng financing requirements ng gobyerno.

Gayunpaman, mas maliit ng 1.4% ang external debt kumpara noong naunang buwan dahil sa epekto ng currency adjustments na siyang nakaapekto sa dolyar at third-ciurrency equivalents. Dahil dito, lumiit nang bahagya ang halaga ng foreign debt.

"These more than offset the availment of foreign loans amounting to P15.25 billion," dagdag pa ng Treasury kanina.

"NG external debt has increased by P234.55 billion or 5.6% from the end-December level."

Matatandaang walang binanggit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung paano tutugunan ang lumolobong utang ng gobyerno, malaking bahagi nito ay pamana kay Bongbong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabuuang utang ngayon ng administrasyong Bongbong, P12.79 bilyon dito ay nagmula pa noong panahon ni Digong.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

BUREAU OF TREASURY

DEBT

LOANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with