^

Bansa

Marcos Jr. nagmana ng P12.79 trilyong utang mula sa Duterte admin

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. nagmana ng P12.79 trilyong utang mula sa Duterte admin
Philippine President Ferdinand Marcos Jr (L-front) and former President Rodrigo Duterte (R-front) take part in the inauguration ceremony for Marcos at the Malacanang presidential palace grounds in Manila on June 30, 2022. The son of the Philippines' late dictator Ferdinand Marcos was to be sworn in as president on June 30, completing a decades-long effort to restore the clan to the country's highest office.
AFP/Pool/Francis R. Malasig

MANILA, Philippines — Tinapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino nitong Hunyo na merong P12.79 trilyong outstanding debt ang national government — ito habang nangangako ang bagong administrasyong uutang nang mas maliit.

Ang halagang ito ay mas mataas kumpara sa P12.76 trilyong record-high na utang na naitala nitong Abril 2022.

"[National Government's] debt portfolio climbed by P296.06 billion or 2.4% in June due to the net issuances of domestic and external loans as well as currency
adjustments," wika ng Bureau of Treasury sa isang pahayag, Biyernes.

Kung titilad-tilarin, ganito ang itsura ng pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas sa ngayon:

  • utang panloob (P8.77 trilyon o 68.5%)
  • utang panlabas (P4.02 trilyon o 31.5%)

Ang mga pagkakautang sa loob ng bansa ay P101.66 bilyong mas mataas kaysa noong pagtatapos ng Mayo o 1.2% na pagtalon. Umabot naman sa 5.1% (P194.4 bilyon) ang itinaas ng external debt nitong Hunyo.

"For June 2022, the increment in external debt was attributed to the impact of local currency depreciation against the USD amounting to P186.94 billion and the net availment of external financing amounting to P43.18 billion; offsetting the P35.72 billion effect of net depreciation against the US dollar on third-currency denominated obligations," dagdag pa ng Treasury.

Ika-12 ng Hulyo nang maranasan ng Philippine Peso na sumadsad sa pinakamababa nitong halaga kumpara sa US Dollar, kung saan pumalo sa P56.45 ang katumbas ng $1. Natumbasan niyan ang record-low na naitakda noong ika-14 ng Oktubre taong 2004.

Gayunpaman, naka-recover ito noong parehong araw nang mag-close ito sa P56.37. Sa kabila nito, ito ang "worst performance" ng piso simula Nobyembre 2004.

Utang at Marcos Jr. admin

Ika-30 ng Hunyo nang manumpa ang bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kapalit ni Digong, ang huli kilala sa paghiram nang malaking halaga sa gitna ng COVID-19 pandemic at Build, Build, Build infrastructure program nito.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Benjamin Diokno sa kanyang post-State of the Nation Address economic briefing na desidido ang administrasyong Bongbong na paliitin ang paghiram ng gobyerno, lalo na't may "fiscal space" na raw ito para pondohan ang mga ambisyosong proyekto.

"The implication is clear: we do not have to borrow as much as we did during the crisis years," wika ni Diokno.

"What we inherited from the Duterte administration is a much better tax system. They did a lot of reforms so that itself will give us additional revenues, plus we have additional measures."

Nagdadalawang-isip pa ngayon ang bagong admin na magpataw ng mga panibagong buwis at sa halip pagtutuunan na lang daw ng pansin ang mas mainam na tax administration para kumita't magamit ito sa pagpondo ng mga programa.

Kamakailan lang nang umarangkada ang maniobra nina Marcos Jr. sa pag-"rightsize" ng gobyerno sa layuning makagampan nang marami habang gumagamit nang mas kakaonting pera.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

BUREAU OF TREASURY

DEBT

LOAN

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with