^

Bansa

Philippines-US Balikatan arangkada na ngayon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula na ngayong Martes ang joint military exercises ng Pilipinas, United States of America at Australia na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang Balikatan ngayong taon ay nakatuon sa maritime defense, coastal defense, at maritime domain awareness na isasagawa sa Palawan, Antique, at sa Northern Luzon.

Nabatid sa Philippine Air Force (PAF) na isang US military plane at isang C130J ang lumapag sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa, Palawan nitong Abril 6 habang isang sasakyang panghimpapawid ng Australia, isang C-17, noong Abril 7, na may dalang mga suplay, kagamitan, at tauhan bilang suporta sa mga pagsasanay sa Balikatan ngayong taon.

Aabot sa 17,600 tropa ang inaasahang lalahok sa Balikatan — ang pinakamalaking taunang bilateral exercise na pinamumunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang US Armed Forces.

Mula sa nasabing tropa, 12,000 ang magmumula sa US, habang ang iba ay mga tropa ng Pilipinas.

Nasa 111 contingent mula sa Australian Defense Force ang sasali rin sa mga pagsasanay sa militar.

“They will be taking part in smaller events… special operations, mostly. Smaller land-based exercises,” ayon kay Col. Michael Logico, tagapagsalita ng Balikatan 2023.

Kasama sa Balikatan 2023 ang mga live-fire exercises sa dagat.

Tiniyak naman ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na maayos ang joint exercises at naaayon sa regulasyon ng bansa.

vuukle comment

DEFENSE

PAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with