^

Bansa

Rep. Zamora, 4 na beses nagpabakuna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rep. Zamora, 4 na beses nagpabakuna
San Juan City Rep. Ronaldo Zamora.
congress.gov.ph

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora na dalawang beses siyang nabigyan ng booster shots matapos maturukan na ng dalawang doses ng Sinopharm noong 2020.

Sa ilang mga public event na kaniyang dinaluhan sa lungsod ng San Juan, sinabi ni Zamora na nagtatalumpati siya ng hindi na kailangang magsuot ng face mask dahil apat na beses na siyang nabakunahan.

Nakumpleto niya ang 2 doses ng Sinopharm vaccine noong nakalipas na Disyembre.

Pinayuhan umano siya ng kaniyang doktor na magpaturok ng dalawang booster shots dahil isa siyang ‘immunodeficient”. Ipinagmalaki pa ni Zamora na Pfizer ang kaniyang booster shots.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na go signal ang pamahalaan sa mga ‘fully vaccinated‘ na magpaturok ng dalawang doses sa anumang uri ng booster shot.

vuukle comment

RONALDO ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with