^

Bansa

DOJ: Pangulo lang ang may ‘immunity from suit’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Department of Justice na tanging Pangulo lamang ang may “immunity from suit” at hindi saklaw nito ang Bise Presidente. Ito ang tugon ni Justice Secretary Fredderick Vida sa gitna ng mga pahayag ng kampo ni VP Sara Duterte na hindi umano siya dapat kasuhan.

Sa press briefing nitong Huwebes, binigyang-diin ni Vida na malinaw ang batas na ang immunity ay eksklusibo sa Pangulo ng bansa.

Ikinalungkot din ni Vida ang pahayag ni Duterte na hindi siya ligtas sa bansa.

“Nakakalungkot po na para sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa…of course, these are legitimate feelings.”

Dagdag pa niya, pa­tuloy na pinatutunayan ng mga law enforcement agencies na handa silang gampanan ang tungkulin para masiguro ang seguridad ng lahat ng Pilipino, kabilang ang Bise Presidente.

Nagsampa ang DOJ ng tatlong bilang ng grave threats laban kay Duterte matapos ang kanyang pahayag na umupa siya ng tao para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating Spea­ker Martin Romualdez.

Noong Sabado, naglagak ng piyansa si Duterte sa Quezon City RTC matapos ilabas ang warrant of arrest.

Ilang sandali bago ito, paulit-ulit niyang sinabi sa media na hindi siya ligtas.

FREDDERICK VIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with