24/7 pagbabakuna target ng gobyerno
MANILA, Philippines — Sa sandaling dumating sa bansa ang COVID-19 vaccine sa bansa, posibleng 24/7 ang gagawing pagbabakuna ng pamahalaan.
Ito ang tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa vaccine program ng gobyerno.
Ayon kay Galvez, tinitingnan nila ang posibilidad na magbakuna sa loob ng 24 oras, sa loob ng 7 araw.
Paliwanag pa ng kalihim, ang nakikita nilang capacity kapag nakapagbakuna sila ng humigit kumulang na 50 milyon ay kailangang 15,000 kada araw ang mabakunahan.
Inaasahan naman na makakakuha ang bansa ng 148 doses ng bakuna laban sa virus mula sa pitong iba’t ibang manufacturers.
Habang tinatayang 50,000 Pinoy ang makakatanggap ng bakuna sa Pebrero.
- Latest