^

Bansa

3K miyembro ng Chinese Army nasa Pinas

Gemma Garcia - Philstar.com

MANILA, Philippines — Nasa Pilipinas nga­yon ang tinatayang 2,000 hanggang 3,000 miyembro umano ng People’s Liberation Army (PLA) ng China.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ibinigay na niya ang nakuhang impormasyon kay Sen. Richard Gordon at bahala na itong magberipika sa intelligence committee.

Bagama’t unvalidated pa umano ang nasabing ulat at subject for validation pa, “good number” umano ang 2,000 hanggang 3,000.

Paliwanag ni Lacson, hindi pa ito kumpirmado kaya kailangan pang i-validate ng intel.

Ang PLA ay organi­sasyon ng land, sea at air forces ng China at isa sa pinakamalaking military forces sa buong mundo.

Posibleng nandito umano ang mga miyembro ng PLA para sa isang immersion mission subalit kung ano ang eksaktong layunin nito ay nananati­ling palaisipan.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nakakuha ang mga otoridad ng ID na pag-aari ng dalawang Chinese na suspek sa pagkamatay ng isang Yin Jian Tao na binaril sa loob ng VIP room sa Makati City.

Giit ni Gordon, ang pagkakadiskubre ng PLA IDs mula sa mga Chinese na suspek ay dapat imbestigahan lalo na ang mga Chinese workers na nandito ngayon sa bansa ay nasa recruitment age ng army.

vuukle comment

CHINESE ARMY

PEOPLE’S LIBERATION ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with