^

Bansa

Nasawing nCoV patient, isang PUI inilibing na lang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nasawing nCoV patient, isang PUI inilibing na lang
Ang naturang pasyente ang unang nCoV patient na namatay sa Pilipinas, at kauna-unahan ring nCoV patient na namatay sa labas ng China.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Napilitang ilibing na lang ang nasawing Chinese national na kumpirmadong may taglay na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease at isang patient under investigation (PUI) matapos tanggihan ng mga crematorium.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nagpasiya na lang ang director ng San Lazaro Hospital (SLH) kung saan naratay ang dalawa, na ilibing na lamang, sa hindi tinukoy na sementeryo.

Isasalang dapat sa cremation ang mga labi ng nCoV patient at isa pang nasawi dahil sa Pneumonia at suspected nCoV subalit hindi umano tinanggap ng crematorium.

Ang naturang pasyente ang unang nCoV patient na namatay sa Pilipinas, at kauna-unahan ring nCoV patient na namatay sa labas ng China.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with