Miguel Polo field alay ni Rep. Romero sa anak
MANILA, Philippines — Iaalay ni Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero ang Miguel Romero Polo Field na pagdarausan ngayon ng polo event sa Calatagan, Batangas na tinuturing na world-class ang pagkakagawa.
Isa ang Polo sa inaabangan ngayong araw sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) kung saan ipaparada ang magagaling na atleta at pambatong mga kabayo. Kabilang sa maglalaro si Rep. Romero.
“Mabibigat ang kalaban. Magagaling. Kaya kailangan namin pagbutihan, kumpiyansa kami na mabibigay ang ginto sa ating bansa,” pahayag ni Romero.
Ang Miguel Romero Polo Field ay ipinangalan ni Romero sa kanyang yumaong anak na isa ring magaling na atleta.
“It was my dream to play with my son (Miguel) in SEA Games. Kaya gusto ko iaalay sa kanya ang karangalan na mailagay ang polo field na ito sa kanya,” dagdag ng mambabatas na isa sa pinakamaraming natulungang mga kapus-palad.
- Latest