^

Bansa

P1k dagdag sahod sa kasambahay, hiling

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1k dagdag sahod sa kasambahay, hiling
Ayon kay Abayon, bilang miyembro ng marginalized sector sa lipunan ay apektado rin ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga kasambahay.
File Photo

MANILA, Philippines — Umapela si House Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon sa wage boards na dagdagan ng P1,000 ang minimum wage ng mga kasambahay.

Ayon kay Abayon, bilang miyembro ng marginalized sector sa lipunan ay apektado rin ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga kasambahay.

Taong 2016 pa umano nang huling makatikim ng dagdag-sahod ang mga kasambahay sa CALABARZON at December 2017 sa Metro Manila at limang iba pang rehiyon.

Paliwanag pa ng kongresista, dapat tratuhin nang may dignidad ang mga kasambahay lalo pa at pinakamababa ang sahod ng mga nasa Region 4-A na may P1,800 kada buwan, P2,000 sa Northern Samar at ibang bahagi ng Eastern Visayas at P3,500 sa NCR.

Mainam rin umano kung magkakaroon ng online database para sa registry of domestic workers para matiyak ang compliance sa batas na nagbibigay-proteksyon sa mga kasambahay gaya ng health benefits.

vuukle comment

HARLIN NEIL ABAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with