^

Bansa

Legalisasyon ng marijuana ‘di napapanahon – DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Legalisasyon ng marijuana �di napapanahon � DOH
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas mahabang pag-aaral pa ang kailangan bago pagpasyahan kung gagawing legal ang marijuana kahit for medical purposes pa ito.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hindi pa napapanahon para gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas mahabang pag-aaral pa ang kailangan bago pagpasyahan kung gagawing legal ang marijuana kahit for medical purposes pa ito.

Sa ngayon aniya ay masyadong limitado ang mga benepisyo at kung ano ang panganib sa paggamit ng medical marijuana na puwedeng gawing giya ng ating mga mambabatas sa ipapanday nilang batas.

Tinukoy ni Duque ang inihandang listahan ng UP-National Institutes of Health kung bakit hindi pa panahon para gamiting gamot ang marijuana.

Kabilang dito ang pa­nganib ng distance perceptions ng isang gumagamit nito at maaaring mag-trigger ng psychosis tulad ng schizophrenia.

Gayunman, aminado naman si Duque na batay sa mga pag-aaral, nakakatulong talaga ang marijuana bilang pain killer, para sa hilo at pagsusuka.

Subalit sa kabila nito, binigyan diin ng kalihim na hindi ito dapat ikonsidera bilang “cure” o lunas sa sakit.

Sinabi ng kalihim na kahit gawin nang legal ang medical marijuana, hindi naman daw ito maaring basta i-sigarilyo lamang.

Nabuhay ang usapin sa legalisasyon ng marijuana bilang gamot dahil sa suportang ibinigay dito ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang itanong ito sa kanya sa question and answer portion ng beauty pageant.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with