^

Bansa

AFP bibili ng submarines

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP bibili ng submarines
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang ikalawang yugto ng AFP Modernization Program.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bibili na ng mga submarine ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang ikalawang yugto ng AFP Modernization Program.

Gayunman, tumanggi muna si Defense spokesman Arsenio Andolong na tukuyin kung ilang submarine ang kanilang bibilhin pero sinabing higit ito sa isa dahil iginiit ng mga opisyal ng Philippine Navy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga submarine.

Sa kasalukuyan ay bumubuo na ang Philippine Navy ng ‘submarine group’ at inihahanda na rin ang kanilang mga sailors kung paano gumamit ng underwater warship sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito sa kanilang mga counterpart sa ibayong dagat.

Ang capability upgrade program ng AFP na nilikha at unang ipinatupad sa ilalim ng administrasyon ni da­ting Pangulong Aquino ay nahahati sa tatlong bahagi - Horizon 1, 2 at 3 kung saan ang ikalawang yugto ay mula 2018 hanggang 2022.

Inamin naman ni Andolong na ang pagbili ng mga submarine ay isa sa mga prayoridad ng Philippine Navy  kaya mula sa Horizon 3 ay inilipat ito sa Horizon 2 upang mapabilis ang procurement. Pinagpipilian nila ang South Korea, Russia at iba pang mga bansa.

Sa kasalukuyan ay wala pa ni isang submarine ang Pilipinas.

Sa mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Malaysia, Indonesia, Vietnam at maging ang Singapore na siyang pinakamaliit ay mayroong mga submarine.  

vuukle comment

AFP MODERNIZATION PROGRAM

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

PANGULONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with