^

Bansa

‘Duterte at Mar mag-debate na lang’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa halip na magsampalan at barilan, dapat na mag-debate na lamang sa harap ng publiko sina Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles, kung silang mga kababayan ni Duterte ang tatanungin dapat na idaan na lamang sa debate ang mga mahahalagang isyu kaysa maghamunan ng away ang dalawa.

Mas mabuting sa debate na lamang umano idaan ng dalawa upang magkaalaman kung kaninong plataporma ang tatangkilikin at sasagot sa problema ng taumbayan.

Hindi naman naniniwala si Nograles na kayang manakit ng kapwa opisyal ni Duterte.

Paniwala ng kongresista, normal lamang at naiintindihan nila kung baki naging ganoon ang reaksyon ni Roxas kay Duterte taliwas sa puna ng iba na “cheap” ang ginawa ng mga tumatakbong sa pagka-pangulo dahil sa lumalalang word war.

Samantala, kinumpirma naman nito na nagkausap si House Speaker Feliciano Belmonte at Duterte noong isang gabi sa dinner party ng National Unity Party (NUP) kung saan naging maayos naman ang pagkikita ng dalawa.

Matatandaan na nagkaroon din ng palitan ng salita sina Belmonte at Duterte.

vuukle comment

ANG

AYON

BELMONTE

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVAO CITY REP

DUTERTE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KARLO ALEXIE NOGRALES

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

NATIONAL UNITY PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with