^

Bansa

BDO best bank sa ikatlong pagkakataon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa ipinamalas na patuloy at matatag na pag-unlad at matagum­pay na implementasyon ng pangunahing business developments ng bangko, muling umani ng parangal ang BDO Unibank. Tinanggap ng bangko sa ikatlong magkakasunod na taon ang “Best Bank in the Philippines” award sa katatapos lamang na Global Awards for Excellence 2015 na isinagawa ng London-based financial publication Euromoney.

Sa July 2015 issue ng Euromoney magazine, sinabi ng pahayagan na “while [BDO’s] net income was only up 1% year on year in 2014, it jumped an impressive 12% year on year in the first quarter of 2015”. Sa kabilang banda, ang pa­tuloy na paglaki ng BDO ay suportado ng pagbubukas ng animnapu’t-isang bagong sangay ng bangko nuong 2014.

Isinaalang-alang rin ng Euromoney ang matagumpay na pagkumpleto sa ilang recent acquisition ng bangko, kasama na ang acquisition nuong December 2014 kung saan na-acquire ng bangko ang One Network Bank, Inc., isa sa mga pinakamalaking rural bank sa bansa, na may 105 sangay at micro-banking offices sa na matatagpuan sa Mindanao at Panay Island.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEST BANK

DAHIL

EUROMONEY

GLOBAL AWARDS

ISINAALANG

MINDANAO

ONE NETWORK BANK

PANAY ISLAND

SA JULY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with