^

Bansa

Pamilya ng SAF 44 bumisita sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtungo ang ilang pamilya ng nasawing miyembro ng PNP-SAF 44 sa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte kahapon.

Personal na nakaharap ang mga ito ni Speaker Belmonte kung saan tiniyak sa kanila ang buong suporta ng Kamara sa paghahanap ng katarungan at katotohanan sa naganap na Mamasapano tragedy.

Karamihan sa mga nagtungo sa Kamara ay mula sa Mt. Province at pinakamarami rin sa mga namatay na SAF ay galing sa Cordillera Region.

Kumpyansa naman si Belmonte na mananaig ang katotohanan.

Sa ngayon nasa 3.8 milyon na ang kanilang nalilikom, subalit  hindi pa nila ito maibigay sa mga kaanak ng SAF 44 dahil target ng Kamara na makalikom ng P4 milyon

Ito ay para mabigyan ng tig-isang daang libong piso ang bawat pamilya.

Ang kontribusyon ay mula umano sa sariling bulsa ng mga kongresista at mga empleyado ng Kamara.

vuukle comment

BELMONTE

CORDILLERA REGION

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

KARAMIHAN

KUMPYANSA

MAMASAPANO

MT. PROVINCE

SPEAKER BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with