^

Bansa

2nd term burado na kay PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Aquino na wala ng 2nd term para sa kanya matapos simulan na ng Liberal Party (LP) ang paghahanap ng magiging kandidato nito sa 2016.

Sinabi ng Pangulo sa media delegation na kasama nito sa Singapore, na binubuo niya ang consensus sa loob ng kanilang partido at nakikipag-ugnayan na rin siya sa ibang sektor para sa susuportahang kandidato sa 2016  presidential race.

Ayon sa Pangulo, nais niyang matiyak na kahit tapos na ang kanyang termino sa 2016, mayroong magpapatuloy ng reporma na kanyang sinimulan sa bansa.

Aniya, lahat ng mga kaalyado ay kanyang kinakausap hindi lamang ang LP kundi pati ang Nacionalista Party (NP) at si Vice Pres. Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance (UNA).

Hindi naman direktang masabi ng Pangulo kung uubra na maging guest candidate ng LP si Binay dahil kailangang kunin muna ang consensus ng bawat mi­yembro.

vuukle comment

ANIYA

AYON

JEJOMAR BINAY

LIBERAL PARTY

NACIONALISTA PARTY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

VICE PRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with