^

Bansa

Napoles nakaposas nang dumalo sa bail hearing sa Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaposas na si Janet Napoles nang dumalo sa Sandiganba­yan 3rd division kahapon para dinggin ang kanyang hirit na makapagpiyansa kaugnay ng plunder case na may kinalaman sa pork barrel scam.

Sinasabing kapag mga elemento na ng Bureau of Jail Management Peno­logy (BJMP) ang nanga­ngalaga sa kanilang preso ay standard operating procedure (SOP) na lagyan nila ng posas ang inmate sa tuwing dadalhin sa korte at ibabalik sa kanilang selda.

Gayunman, hindi naman nagtagal si Napoles sa graft court at agad umalis dahil may sakit.

Wala nang tumanggi sa paglisan ni Napoles maging ng panig ng prosekusyon nang makapagtala ito ng lagnat na umaabot sa 37.73 degrees celcius habang ang kanyang blood pressure ay umabot sa 140/80.

Si Napoles ay nananatiling nasa isolation room ng Camp Bagong Diwa sa Taguig makaraang ipalipat ito ng Sandiganbayan mula sa Fort Sto. Domingo, Laguna.

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT PENO

CAMP BAGONG DIWA

DOMINGO

FORT STO

GAYUNMAN

JANET NAPOLES

NAPOLES

SANDIGANBA

SANDIGANBAYAN

SI NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with