^

Bansa

Pagpapabagsak sa MH17 kinondena ng Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ng Pilipinas ang pagpapasabog sa eroplano ng Malaysian Airlines MH 17 na ikinasawi ng 298 sakay nito kabilang ang tatlong Pilipino.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kailangang papanagutin ang nasa likod ng pagpapabagsak sa Boeing 777 na tinira ng ground-to-air missile ng mga hinihinalang rebelde sa Ukraine.

“Those responsible should be made fully accountable for this unconscionable assault on a non-military aircraft that posed no threat whatsoever to any party,” bahagi ng pahayag ng DFA na nagpaabot din ng pakikiramay sa mga nasawi sa trahedya.

Biyaheng Pilipinas sana para sa isang fa­mily reunion sa Pagbilao, Quezon ang mag-iinang sina Irene Gunawan, 54, Darryl Dwight Gunawan, 21, at Sherryl Shania Gunawan, 15.

Nakahanda naman ang gobyerno na tumulong sakaling naisin ng mga kamag-anak ng pamilya Gunawan na magtungo sa Malaysia o sa Netherlands kung saan nangyari ang pagbagsak ng eroplano.

Kabilang sa maaa­ring ibigay na tulong ang pagbibigay ng passports at visas sa mga kamag-anak ng biktima.

Inaalam na kung pa­paano ang magiging pro­seso sa crash site at kung papaano makukuha ang mga labi ng mga biktima dahil mayroon ding kaguluhan na nangyayari sa Ukraine.

 

vuukle comment

BIYAHENG PILIPINAS

DARRYL DWIGHT GUNAWAN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GUNAWAN

INAALAM

IRENE GUNAWAN

KABILANG

MALAYSIAN AIRLINES

SHERRYL SHANIA GUNAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with