^

Bansa

Pagsita kay Lacson inamin ng Pangulo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng Pangulong Benigno Aquino lll na ‘sinita’ niya si rehabilitation czar Sec. Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil sa pagiging abala nito sa Napoles list kamakailan.

“Sa isang text exchange namin, sabi ko, “Ping, bakit ba puro itong Napoles list ang nadidikit sa pa­ngalan mo,” wika pa ni Pangulong Aquino.

Ikinatwiran naman ni Sec. Lacson sa ‘paninita’ sa kanya ng Pangulong Aquino ay kasalanan ng media dahil ito ang itinatanung sa kanya imbes na tungkol sa Yolanda rehab program ng gobyerno kapag inimbita siya sa mga media forum.

“So ang tanong dito: Siya ba ang nagko-concentrate doon sa Napoles o ang media nagko-concentrate sa Napoles,” giit pa ng Pangulo.

Tiwala naman si PNoy na nagagampanan ni Lacson ang trabaho nito bilang rehabilitation czar at sa katunayan ay puspusan at minamadali ng gobyerno ang rehab program para makabangon ang mga Yolanda victims.

 

vuukle comment

IKINATWIRAN

INAMIN

LACSON

NAPOLES

PANFILO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with