^

Bansa

Kaso ni Cadet Cudia tatapusin agad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon ang kaso ni Cadet Jeff Aldrin Cudia bago pa man ang graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class 2014 sa Marso.

Ayon kay PMA spokesperson Major Agnes Lynnette Flores, nirerebyu na ng PMA ang kaso ng nadismis na si Cudia na inakusahan ng paglabag sa “Honor Code” matapos na umano’y mahuli ng 2 minuto sa klase nito sa isa niyang aralin.

Si Cudia ay top cadet sa Navy Class at isa ring Deputy Class Baron ng PMA Siklab Diwa Class 2014.

Namemeligro itong mahulog sa honor roll at hindi na mag-martsa sa graduation.

Nabatid kay Flores na itinakda ang graduation ng PMA Siklab Diwa sa Marso 16 kung saan si Pangulong Aquino ang tagapagsalita at panauhing pandangal.  

Sinasabing hindi umano nagustuhan ng isa sa mga tactical officer ni Cudia ang paliwanag nito kung bakit siya na-late sa klase sa magkasalungat na paliwanag sa dalawang kuwestiyon na ikinokonsiderang paglabag sa ‘honor code’ at umano’y nagsinungaling ang nasabing kadete.

Siniguro rin ni Flores na sasailalim sa tamang proseso si Cudia sa isinasagawang pagre-rebyu sa ‘case booklet’ nito.

Nilinaw naman ni Flores ang paglaban ni Cudia sa inihain nitong reklamo laban sa 9 member ng Honor Committee na bumoto sa kaniyang pagkakadismis ay hiwalay na kaso na isa rin sa mga binibigyang pansin ng PMA.

Ang Honor Committee ay binubuo ng 25 cadets na nagre-represent ng iba’t ibang klase mula sa iba’t ibang levels.

Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff General Emmanuel Bautista na mabibigyan ng karampatang proseso ang kaso ni Cudia at ng hindi nito masabi na pinagkaitan siya ng kaniyang karapatan sa hustis­ya.

vuukle comment

ANG HONOR COMMITTEE

CADET JEFF ALDRIN CUDIA

CHIEF OF STAFF GENERAL EMMANUEL BAUTISTA

CUDIA

DEPUTY CLASS BARON

HONOR CODE

HONOR COMMITTEE

MAJOR AGNES LYNNETTE FLORES

SIKLAB DIWA CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with