^

Bansa

PNoy ‘lucky charm’ ng Pinay beauties

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Pangulong Aquino na hindi siya ang lucky charm ng mga Filipina na nagwawagi sa mga beauty pageants matapos na manalo kamakalawa ng gabi si Bea Rose Santiago na tinanghal na 2013 Miss International.

Sinabi ng Pangulo, hindi siya naniniwala na siya ang nagsisilbing lucky charm ng mga kandidatang Filipina na nagwawagi sa nilalahukan nitong mga international pageant.

“Do I consider myself a lucky charm? Kapal naman ng mukha ko sasabihin ko I’m a lucky charm to anybody. If some people consider me a lucky charm, thank you. but, I don’t think I can pronounce myself such,” wika ni PNoy sa ambush interview sa Palasyo kahapon.

Aniya, bago pa man siya pumunta sa Bali, Indonesia noon ay nagwagi na si Megan Young na tinanghal na Miss World. Ginanap ang nasabing beauty pageant sa Bali, Indonesia.

Nagkita naman sina Pangulo at Bea Rose Santiago sa Tokyo noong nakaraang linggo matapos na dumalo sa Filipino community event si Bea bago ito lumahok sa Miss International pageant kung saan kamakalawa ng gabi ang coronation night na ginanap sa Tokyo, Japan at siya ang tinanghal na 2013 Miss International.

vuukle comment

ANIYA

BEA

BEA ROSE SANTIAGO

DO I

FILIPINA

GINANAP

MEGAN YOUNG

MISS INTERNATIONAL

MISS WORLD

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with