^

Bansa

Makati Police kakasuhan ng Taguig

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang awtoridad ang Makati City Police na arestuhin ang mga tauhan ng Public Order and Safety Office ng Taguig City sa teritoryo ng huli.

Ito ang idiniin ni Ta­guig POSO Officer in Charge Kim Pautin sa isang pahayag na nagsaad pa na, sa ilalim ng batas, dapat laging iginagalang ang area of res­ponsibility.

Sinabi ni Pautin na hindi nila pinapayagan ang anumang maling ga­wain sa Taguig pero ka­ kasuhan pa rin nila ang hepe ng pulisya ng Makati dahil sa panghihimasok umano sa teri­toryo ng Taguig na labas na sa area of responsi­bility ng Makati Police.

Idiniin din niya na walang kautusan ang Court of Appeals­ na nagbibigay sa Makati Police ng hurisdisyon sa Fort Bonifacio o BGC, at sa kabila ng direktiba ng National Capital Regional Police Office, pinasok pa rin ng mga pulis-Makati ang lugar na hindi na nila huris­diksiyon.

Hinihiling din ng POSO na isuko ng Ma­kati sa Taguig ang lahat ng pulis at tauhan ng MAPSA ng Makati City, Engineering Office at ibang empleyado na pumasok sa teritoryo ng Taguig.

vuukle comment

CHARGE KIM PAUTIN

COURT OF APPEALS

ENGINEERING OFFICE

FORT BONIFACIO

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI POLICE

SHY

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with