^

Bansa

Lady labor attache ok sa Palasyo!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor ang Malacañang sa suhestyon na babae ang italagang mga labor attaché sa Middle East matapos na masangkot sa ‘sex for flight’ ang ilang kalalakihang opisyal sa ME.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang pagtutol ang Palasyo sa mungkahi pero dapat hintayin muna ang imbestigasyon ng proper agencies kaugnay sa akusasyong sex for flight syndicate kung saan ay sangkot umano ang ilang labor attaché.

Isiniwalat ni Akbayan Rep. Walden Bello na ilang labor officials sa Gitnang Silangan ang mismong sangkot sa sex ring operation na bumibiktima sa mga kawawang babaeng OFWs.

Kabilang sa inakusahan ni Rep. Bello sina Mario Antonio na assistant labor attaché sa Amman, Jordan; isang alyas Kim sa Damascus, Syria at isang Blas Marquez ng Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait.

Samantala, ibinunyag din ng Migrante International na 3 pang biktima ng sex for flight scheme ang nakahandang lumantad upang tukuyin ang mga labor officials na umabuso at nagbubugaw sa kanila sa Gitnang Silangan habang sila ay nasa half-way center ng Philippine embassy.

Ayon kay John Monterona, vice-chairman ng Migrante, hindi niya tiyak kung ang tinutukoy din ng 3 biktima ay ang assistant labor attaché na si Antonio Villafuerte ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na naunang tinukoy ng 3 lumutang na biktima.

Dahil dito, pinauwi na rin ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang mga ambassadors ng Pilipinas na may half-way house tulad ng Hongkong, Malaysia at Singapore upang tumulong sa isinasagawang imbestigasyon sa mga sexual abuse sa mga distressed Filipino migrant workers habang sila ay nasa bahay-kalinga center.

Naunang pinauwi ni del Rosario noong nakaraang linggo ang 13 chiefs of missions sa Middle East at North Africa upang tumulong din sa imbestigasyon sa sex for flight scheme sa mga kawawang OFWs.

vuukle comment

AKBAYAN REP

ANTONIO VILLAFUERTE

BLAS MARQUEZ

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

FOREIGN AFFAIRS SEC

GITNANG SILANGAN

JOHN MONTERONA

LABOR

MIDDLE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with