^

Bansa

Pasaring kina Enrile at Reyes nilinaw ni Cayetano

Marvin Sy - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi niya inintensyong ipahiwatig na merong bawal na relasyon sina Senate  President Juan Ponce Enrile at ang nagbitiw na chief of staff nito na si Jessica “Gigi” Reyes nang magbigay siya ng privilege speech noong Miyerkules.

Ang talumpati ni Ca­yetano na ikinagalit ni Enrile at nagbunsod sa pagbibitiw ni Reyes sa puwesto ay bumuhay muli sa mga ispekulasyon hinggil sa totoong relasyon ng dalawa.

Wala man direktang sinabi si Cayetano hinggil doon, binanggit niya na, sa bawat bagay na sinasabi ni Enrile laban sa kanya, naiisip naman niya ang 100 bagay na alam niya hinggil sa pangulo ng Senado at kay Reyes.

“Hindi ko sinasabing nagsasama sila. Ang  ibig kong sabihin, marami akong alam hinggil sa kanya at kay Atty. Gigi. Marami akong alam tungkol sa kanilang da­lawa,” sabi pa ni Cayetano.

Mariing pinabulaanan ni Enrile na meron silang relasyon ni Reyes at idiniin niya na napakatanda na niya para gumawa ng ganito.

Nagpalabas din si Reyes ng pahayag na nagsasaad na nagdudulot ng sakit sa kani-kanilang pamilya ang mga malisyosong haka-haka at hinala hinggil sa relasyon niya kay Enrile.

 

vuukle comment

CAYETANO

ENRILE

GIGI

IPINAHAYAG

JESSICA

NIYA

PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

REYES

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with