^

Bansa

'Lawin' humina

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Humina ang bagyong Lawin nang magbago ito ng direksiyon patungo sa hilaga hilagang kanlurang direksiyon.

Alas-12 ng tangha­li kahapon, si Lawin ay namataan sa layong 390 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 120 kilometro bawat oras.

Ngayong Linggo, si Lawin ay inaasahang nasa layong 330 kilometro silangan ng Borongan at sa Lunes ay nasa layong 290 km hilagang silangan ng Borongan, sa Martes ay nasa layong 290 km hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Nananatiling nasa ila­lim ng signal no, 2 ang eas­tern Samar at signal no. 1 sa northern Samar at western Samar.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga mangi­ngisda sa nabanggit na lugar na huwag munang maglayag dahil sa mala­king alon na epekto ng bagyo.

Patuloy namang pi­nag-iingat ng Pagasa ang mga taga Metro Manila sa mga pag-uulan dulot ng thunderstorm.

vuukle comment

BORONGAN

CATANDUANES

EASTERN SAMAR

HUMINA

LAWIN

METRO MANILA

NANANATILING

NGAYONG LINGGO

PAGASA

PATULOY

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with