^

Bansa

Holdaper utas sa shootout

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang holdaper nang mabistay ng bala ng mga tauhan ng Makati City Police makaraang makipagbarilan umano sa mga alagad ng batas, kahapon ng tanghali sa naturang lungsod.

Nakilala ang nasa­wing suspek na si Eliseo Ramos Basilio, ng Langka St., Brgy. Comembo, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, unang napansin ng isang grupo ng lalaki ang suspek na aali-aligid sa may P. Zamora St. dakong alas-11:48 ng tanghali. Nang kanilang sitahin ito, agad na nagtatakbo ang lalaki tungo sa direksyon ng J.P. Rizal Street.

Agad namang humi­ngi ng tulong ang naturang mga lalaki sa mga nagpapatrulyang pulis ng Police Community Precinct 7 lulan ng isang patrol car. Agad na hinabol ng mga alagad ng batas ang tumatakbong suspek na umano’y nagbunot ng baril at pi­naputukan ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis kung saan napuruhan ang suspek sa kanto ng P. Zamora at J.P. Rizal St.   

vuukle comment

BRGY

COMEMBO

ELISEO RAMOS BASILIO

LANGKA ST.

MAKATI CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RIZAL ST.

RIZAL STREET

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with