^

Bansa

Teodoro palalawakin Phl Marines, bantay sa 7,600 isla

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na palawakin pa ang puwersa ng Philippine Marine Corps (PMC) upang mas epektibong mabantayan ang mahigit 7,600 isla ng bansa sa gitna ng mga hamon sa usapin ng teritoryo.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-76 anibersaryo ng PMC sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Sabado ng gabi, sinabi ni Teodoro na kailangan nang paigtingin ang pagpapalawak ng Marine Corps sa ilalim ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).

Ayon sa kalihim, kasama sa plano ang pagtatayo ng mga istratehikong operating base at pagpapalakas ng suportang logistikal upang mapahusay ang kakayahan ng militar sa pagbabantay sa kapuluan.

Iginiit ni Teodoro na kulang ang kasalukuyang puwersa ng PMC na may apat na marine brigades at isang service support brigade para mabantayan ang libu-libong isla ng bansa.

“The footprint of the Philippine Marine Corps of four marine brigades and one service support brigade for 7,600 islands is way, way too small,” ani Teodoro.

Dahil dito, aniya, dapat nang simulan ang masu­sing pagpaplano para sa pagtatayo ng mga bagong operating base at iba pang pasilidad malapit sa mga kampo militar.

Bahagi ang pagpapa­lawak ng PMC sa CADC, ang estratehiya ng Department of National Defense upang maprotektahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) at pinalawak na continental shelf ng Pilipinas habang pinatitibay ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines sa panlabas na depensa.

Binigyang-diin din ni Teodoro ang panga­ngailangang tugunan ang mga panlabas na banta, kabilang ang muling paggigiit ng China sa usapin ng soberanya ng Pilipinas sa Batanes.

“One very vivid reason why is just today or yesterday, once again, the Chinese have reiterated the claim that the Philippine claim to Batanes, or the Philippine dominion over Batanes, is historically questionable,” dagdag pa ng kalihim.

GILBERTO TEODORO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with