^

Bansa

Bank record ni Corona baka tanggapin din ng Senado

- Nina Malou Escudero at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Malamang tanggapin ng Senado na tumatayong Impeachment Court ang ebidensyang nakuha sa mga dokumentong naglalaman ng mga impormasyon sa mga bank account ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi kahapon ni Senador Panfilo Lacson sa isang ulat na iyon ang pangkalahatang sentimyento ng mga senator-judges na mag-uusap sa closed-door meeting sa Martes hinggil sa kahilingan ni Corona na ipuwera ng impeachment court ang anumang ebidensiyang kaugnay ng kanyang signature card sa Philippine Savings Bank. Kabilang sa mga dokumento ang mga dollar account na sinasabing peke umano o iligal na nakuha.

“Lahat ng ebidensya na naiprisinta at namarkahan na, hangga’t maaari, tatanggapin namin bilang ebidensiya,” sabi ni Lacson.

Hindi naman nababahala ang prosekusyon sa umano’y ipinagmamalaking “key witness” ng depensa kaugnay sa impeachment trial ni Corona.

 Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzalez III, kahit sino naman ay makag­papaliwanag tungkol sa Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) ni Corona kahit na ito ay isang accountant-lawyer na makakapagpaliwanag ng mga discrepancies sa SALN.

Subalit sa bandang huli umano ay maituturing pa rin itong “hearsay” dahil tanging ang punong mahistrado lang umano ang may “first hand knowledge” sa filling ng kanyang SALN.

Ang sinasabing accountant-lawyer ang umano’y key witness ng depensa.

vuukle comment

AYON

HOUSE MAJORITY

IMPEACHMENT COURT

KABILANG

NEPTALI GONZALEZ

PHILIPPINE SAVINGS BANK

SENADOR PANFILO LACSON

STATEMENT OF ASSETS LIABILITIES AND NET

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with