TRABAHO at serbisyong legal caravan, umarangkada
MANILA, Philippines — Idinaos ng TRABAHO Party-List at The Women of Aleitheia ang kanilang kauna-unahang TRABAHO at Katarungan Caravan sa Caloocan City Sports Complex na idinaos noong Nobyembre 21,2026.
Sa pakikipagtulungan ng Caloocan City-LGU at mga ahensiya ng gobyerno ay direktang naghatid ang TRABAHO at Katarungan Caravan ng 3,400 local at overseas employment vacancies, iba’t ibang labor at legal services mula sa pribado at pampublikong sektor at financial assistance sa 1,708 residente ng Caloocan at Metro Manila.
Ibinahagi ni Congresswoman Johanne Bautista na ang kanyang adbokasiya ay nagsimula pa noong siya ay nag-aaral pa lamang ng batas hanggang siya ay maging ganap na abogado.
Para sa TRABAHO One-Stop Shop, ang caravan ay natutugunan ang mga employment opportunities, pre-employment requirements, at labor-related concerns sa tulong ng mahigit 20 local at overseas employers, Public Employment Service Office ng Caloocan City at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Nanguna sa job matching ang 26 hired-on-the-spot applicants at nasa 449 employment related concerns ang natugunan. Habang ang Katarungan One-Stop Shop ay tumugon sa 498 legal-related services.
- Latest
















