^

Bansa

Utol ni Sen. Bong Revilla tinodas!

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang half brother ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. habang nasa kritikal naman na kondisyon ang nobya nito matapos na pagsasaksakin at barilin ng isa sa dalawang kala­lakihan na puwersahang pumasok sa bahay nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dead on arrival sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Ram Jose Bautista, 23, nakatira sa #4 President Ave., Phase 6-A, Brgy. BF Homes, Parañaque City dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Kasalukuyan namang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City ang nobya nitong si Janelle Ann Caren Manahan, 22, nakatira sa Unit 964 City Land 8, Gil Puyat Avenue, Makati City na nagtamo ng mga tama ng bala sa mukha at balikat.

Samantala, binuo na rin kahapon ng PNP ang Special Investigating Task Group (SITG) Ram at ina­alam na ang mga pangalan ng dalawang suspect.

Sa isinagawang im­bestigasyon ni SPO1 Fernan Acbang, ng Station Investigation Division (SID), Paranaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:55 kamakalawa ng gabi sa loob ng bahay ni Bautista sa nabanggit na lugar.

Sa pahayag ni Pedelita Roman, 55, kasambahay ni Bautista, kumatok ang dalawang lalaki sa bahay ng biktima at pagbukas ng pinto ay biglang pumasok ang mga suspect na pawang mga naka-bonnet at armado ng baril.

Agad na tinungo ng mga suspect ang biktima hanggang sa magkaroon ng pagtatalo na humantong sa pamamaril at pananaksak sa biktima.

Tinangka namang pigilan ni Manahan ang mga suspect hanggang sa ito naman ang pinagbalingang barilin ng mga salarin.

Lumilitaw na nasaksihan ng kapatid ng biktima na si Maria Ramona “Mara” ang insidente kung kaya’t tinangay ito ng mga suspect sa pagtakas.

Makalipas ang ilang oras ay binaba rin si Ramona sa kahabaan ng Zapote-Alabang Road, Brgy. Pamplona, Las Piñas City na natulala sa pangyayari.

Isa sa mga motibong sinisiyasat ngayon ng pulisya ay ang anggulong “love triangle” at isinantabi ang motibo ng pagnanakaw dahil wala umanong nawawala sa bahay ni Ram.

Hindi muna pinaaalam ng pamilya Revilla sa kanilang ama na si da­ting Senador Ramon Revilla Sr., ang insidente dahil ayaw nila itong mabigla. Ang nasawing biktima ang sinasasabing isa sa mga pinakapaboritong anak ng dating senador.

Sa kasalukuyan ay hawak na ng mga imbestigador ni Parañaque City Police Director P/Sr. Supt. Billy Beltran ang isang kasambahay ni Ram at guwardiya ng subdibisyon upang mabigyang linaw ang insidente. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BAUTISTA

BILLY BELTRAN

BRGY

CITY

CITY LAND

CITY POLICE DIRECTOR P

FERNAN ACBANG

GIL PUYAT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with