^

Bansa

Pichay kinasuhan ng BIR

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kinasuhan kahapon ng Bureau of Internal  Revenue (BIR) ng tax evasion sa Department of Justice si Local Water Utilities Administration (LWUA) Chairman Prospero Pichay dahil sa kabiguan na magbayad ng buwis para sa taxable year 2009 na paglabag sa Sec. 254 at Sec. 255 ng Tax Code of 1997.

Si Pichay na residente ng  Marikina Green Heights Subd., Bldg. A, Unit 16, Marikina City ay naging director ng LWUA Consult, Inc. at Express Savings Bank, Inc.

Sa nakalap na impormasyon ng BIR, si Pichay ay nagkaroon ng real, personal at iba pang ari-arian noong 2009  na may milyong pisong halaga, na sob­rang maliit sa naisumite nitong Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) na nai-file nito bilang empleyado ng gobyerno noong 2008 at 2009 na may halagang P58.5 milyon.

Ang paglaki ng net worth noong 2009 ni Pichay ay nakita nang magkaroon ito ng isang lot sa Las Piñas,  residential house sa Marikina, Mala­yan Units, motor vehicles at isang eroplano bukod pa sa pagkakaroon ng ma­la­king halaga ng salapi.

Kahit na palagiang naaabisuhan si Pichay sa pagpa-file ng anumang annual Income Tax Return (ITR) at magbayad­ ng utang sa buwis na ha­lagang P32.73 mil­yon­ nong 2009 ay patuloy nitong iniisnab ang abiso ng BIR kayat napilitan na ang ahensiya na kasuhan ito ng tax evasion.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL

CHAIRMAN PROSPERO PICHAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXPRESS SAVINGS BANK

INCOME TAX RETURN

LAS PI

LIABILITIES AND NET WORTH

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION

PICHAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with