^

Empleyada pinatay ng nobyo, bangkay, sinunog pa sa motel!

- Ni Mer Layson () - July 20, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang empleyada ng isang kilalang hotel ang pinatay ng kaniyang nobyo at sinunog pa ang bangkay sa loob ng isang kuwarto sa isang motel sa Pasig City, kahapon.

May mga tama ng sak­sak sa katawan ang halos sunog na rin na bangkay ng biktimang si Regine A. Fernandez, 20, dalaga, guest relations officer ng Water Front Hotel sa Cebu at may address sa 94-Paloma St., Labangon, Cebu City.

Si Fernandez ay nakilala lamang sa pamamagitan ng apat na IDs na nakuha sa posesyon nito.

Arestado naman ang suspek, na umano’y nobyo ng biktima na nakilalang si Raymund G. Camarce, 44, ng 10 Pansol St., Bgy. Balara, Quezon City, matapos na bumangga at maharang ng mga awtoridad ang sinasakyan nitong itim na Super Salon Mitsubishi (CPR-255) habang papatakas.

Ayon kay P/Senior Supt. Jessie Cardona, Commander ng Pasig City Police, nag-check–in ang biktima at suspek dakong alas 8:15 ng umaga sa Room 30, ng Country Lodge Hotel na nasa Capt. Henry Javier St., sa Bgy. Orambo, Pasig City.

Pagsapit umano ng alas-2 ng hapon ay nakita na lang ng ilang saksi ang suspek na nagmamadaling sumakay sa kaniyang kotse at lumabas ng garahe, kasabay naman nang pagsiklab ng apoy mula sa naturang hotel room.

Sa imbestigasyon ni F03 Robert Maravilla, natagpuang nakadapa sa kama ang biktima na tinabunan pa ng mga iba’t-ibang gamit sa motel na madaling masunog tulad ng kumot, mga karton, mga tsinelas. Maging ang mga upuan umano ay ipinatong sa bangkay ng biktima bago ito sinilaban.

Inamin naman ng suspek kay P/Senior Insp. Roderick Tonga, hepe ng PCP Station 1 ng Pasig City Police, na nagawa niya ang krimen dahil nais na umano ng biktima na makipaghiwalay sa kaniya. May isang taon na niyang kasintahan ang babae kaya’t hindi umano nito matanggap na makikipaghiwalay na ito sa kaniya.

BGY CEBU CITY COUNTRY LODGE HOTEL HENRY JAVIER ST. JESSIE CARDONA PALOMA ST. PANSOL ST. PASIG CITY PASIG CITY POLICE QUEZON CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with