^

Bansa

Pamilya Ordinario galit kay Sen. Sotto

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Galit ang pamilya ni Sally Ordinario-Villa­nueva kay Senador Tito Sotto kaugnay ng pahayag ng senador na hindi dapat tulungan ang  mga ito dahil totoong drug mule naman ang binitay na Pinay.

Ayon kay Gero­nimo Ordinario, ama ni Sally­, dapat maging res­pon­sable si Sotto sa kan­yang mga pahayag lalo na at isa itong mambabatas at kilalang tv personality.

Hamon ng pamil­ya Ordinario kay Sotto na magtungo sa kanilang tahanan at alamin kung anong uring­ pamumuhay mayroon sila. Kung totoo aniyang drug mule ang kanyang anak ay dapat na nakaalwan na sana sila ngayon sa buhay.

Pinasalamatan naman ng pamilya Ordinario ang Phil. Army dahil pinahiram sila ng military truck na pagdadalhan ng mga labi ni Sally.

Ayon kay Mang Gero­nimo, hihintayin muna nilang mailibing si Sally at agad na ayusin ang mga papeles para masampahan ng kaukulang kaso ang sinasabing recruiter ng anak na si Tita Cacayan na siya umanong nagbigay ng bag na dadalhin ni Ordinario na may lamang droga.

vuukle comment

AYON

GALIT

GERO

MANG GERO

ORDINARIO

SALLY ORDINARIO-VILLA

SENADOR TITO SOTTO

SHY

SOTTO

TITA CACAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with