^

Bansa

BFP 'ningas cogon' lang sa inspeksiyon

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  “Ningas cogon” lamang umano ang pagsisiyasat ng kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaya maraming nakakalusot na mga establisimyento para makapag-operate ng iligal sa kanilang negosyo.

Ito ang inamin ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo bunsod ng naganap na sunog sa Bed and Breakfast Pension House sa Tuguegarao City na ikinasawi ng may 16 katao kabilang ang siyam na nursing graduates na nakatakda sanang kumuha ng board exam ng nasabing araw.

Ayon kay Robredo, kung naging maayos lang ang pagpapatupad ng batas kaugnay sa fire safety code at inspection sa mga gusali hindi anya sana humantong pa sa malagim na trahedya ang naturang insidente.

Dahil sa pangyayari, nagbanta si Robredo na buburahin­ nila ang ningas cogon na pag-uugali umano ng hanay ng mga BFP dahil hindi lamang umano ari-arian ang nawawala sa sandaling magkasunog kundi maging buhay ng mga taong nadidisgrasya dahil sa kanilang kapabayaan.

Sa kaso naman ng nasunog na pension house, papanagutin niya ang lahat ng sangkot sa nasabing trahedya maging ang provincial fire marshal nito at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan sa lugar.

Nagtataka si Robredo kung bakit nag-operate ang naturang gusali sa kabila ng kawalan nito ng mga dokumento halimbawa ang mayor’s permit.

vuukle comment

AYON

BED AND BREAKFAST PENSION HOUSE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHIL

NAGTATAKA

NINGAS

ROBREDO

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with