^

Bansa

90% resulta ng eleksyon, malalaman sa loob ng 4 na oras

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malalaman na sa loob lamang ng apat na oras ang may 90 porsiyentong resulta ng eleksiyon sa Mayo 10.

Ayon kay Gene Gregorio, spokesman ng Smart­matic, batay sa kanilang karanasan, sa loob pa lamang ng apat hanggang anim na oras o bago maghatinggabi ng May 10, malalaman na kung sino ang nanalong presidente at bise presidente ng bansa.

Nilinaw nito na nag-iingat lamang sila at nais nilang makatiyak kung kaya’t una nilang sinabi na sa loob pa ng 48 oras bago malalaman ang resulta ng halalan lalo sa national level.

Gayunman, nanawagan din ang Smartmatic sa taumbayan na manatiling mapagmatyag sa proseso lalo na sa mga gagamiting makina.

Umapela ito sa publiko na sa May 7 pa lamang kung saan gaganapin ang dry-run, magbantay na at buhayin ang ‘bayanihan’ para sa tagumpay ng elek­syon.

vuukle comment

AYON

GAYUNMAN

GENE GREGORIO

KUNG

LAMANG

LOOB

MALALAMAN

NILINAW

SMARTMATIC

UMAPELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with