^

Bansa

Election violence pinatututukan

-

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa ang mga regional director ng PNP na lutasin sa lalong ma­daling panahon ang mga karahasang may kaug­nayan sa darating na ha­lalan.

Ginawa ni Verzosa ang utos kasunod ng serye ng pananambang sa Northern Luzon at Eastern Min­danao noong nakalipas na linggo na ikinasawi ng apat katao. Ang insidente ay hi­ni­hinalang may kinala­man sa labanan sa pulitika. 

Nitong nakalipas na isang linggo, apat katao ang nasawi at siyam na­man ang nasugatan sa magkakahiwalay na pana­nambang sa ilang mga lalawigan sa Northern Luzon at Eastern Min­danao. Noong Martes ng gabi ay malubha namang nasugatan ang isang Kon­sehal na kandidato sa pagka-bise alkalde sa Taganaan, Surigao del Norte.

Noong Miyerkules ay isang ARMM legislative staff na si Villamor Alibasa, police escort nitong si PO1 Archieveard Sabdane at isang sibilyan ang na­patay sa magkakahiwalay na pananambang sa lala­wigan naman ng Lanao del Sur.

Kaugnay nito, inatasan ng PNP Chief ang mga opisyal nito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at Caraga sa Mindanao gayundin ang mga opisyal ng PNP sa Ilocos Region sa Northern Luzon na tukuyin ang mga responsable sa serye ng pag-atake sa Lanao del Sur, Surigao del Norte at Ilocos Norte.

Idiniin ng heneral na mahalagang matukoy ang motibo ng pagpatay kung may kinalaman ito sa puli­tika o kaya naman ay personal upang mapabilis ang pagresolba sa nasabing mga kaso ng pamamas­lang. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARCHIEVEARD SABDANE

AUTONOMOUS REGION

EASTERN MIN

ILOCOS NORTE

ILOCOS REGION

JOY CANTOS

LANAO

NORTHERN LUZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with