^

Bansa

High school students, guro binalaan sa Internet

-

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga mag-aaral at guro sa high school na magpatupad ng magandang asal sa pag­gamit ng internet sa pa­ ara­lan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pag­bubukas ng mga “porn sites” at paggamit ng mga masasamang lenggu­wahe sa komunikasyon.

Sa ilalim ng DepEd Order no. 105 series of 2009, kailangang marekord ang lahat ng websites na bini­bisita ng mga estudyante. Kabilang sa mga “content” na mahigpit na pinagba­ba­wal ang pornograpiya, bas­tos na salita, pag­mumura, panlalait sa ibang lahi, ka­sarian, kulay, relihiyon, pi­nagmulan, edad, at kaka­ya­hang pi­sikal o mental.

Mahigpit ring ipinagba­bawal ang paggamit sa in­ternet sa pagbibigay ng tulong at suportang moral sa indibidwal, grupo o or­ganisasyon na nagnanais na pabagsakin ang pama­halaan o makakaliwang grupo lalo na ang mga sangkot sa rebelyon, pa­nanabotahe, pang-ees­piya at terorismo.

Pinaalalahanan rin ang mga opisyal ng mga paara­lan na kailangang mga oto­risado lamang ang gagamit ng internet para sa pag-aaral, pa­nanaliksik, serbis­yo at iba pang gawain sa edu­kas­yon. Mahigpit na ipinag­babawal ang pagga­mit nito sa personal na ne­gosyo, gaming, pagsu­sugal, politika, at iba pang iligal na gawain. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BINALAAN

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

KABILANG

MAHIGPIT

PAG

PANG

PINAALALAHANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with