^

Bansa

China research vessel, naispatan sa Catanduanes

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na namataan ang hindi awtorisadong presensiya ng isang research vessel ng China na ‘Shen Kuo’ sa karagatan sa Hilagang-Silangan ng Viga, Catanduanes.

Batay sa ulat ng Tactical Operations Wing, Southern Luzon (TOWSOL) na nagsagawa ng maritime patrol noong Abril 27, ang naturang vessel ay naobserbahang nakadaong sa lugar at wala umanong tauhan sa main deck nito.

Ilang beses din umanong sinubukang makipag-ugnayan ng TOWSOL sa pamamagitan ng regular na radio channels, ngunit bigo ang tropang makatanggap ng tugon mula sa kabilang panig.

Tiniyak ng AFP na mananatili silang mapagmatyag sa anumang hindi awtorisadong research vessel sa maritime domain ng bansa.

Kaugnay nito ay inatasan nila ang mga kalapit na vessel upang paigtingin ang surveillance at pag-ulat sa mga barko ng ibang bansa.

Dagdag pa ng AFP, nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensiya para sa kaukulang pagtugon at imbestigasyon sa anumang ilegal na aktibidad sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) upang masiguro ang proteksyon sa karagatan ng Pilipinas.

Unang namataan ang nasabing vessel noong Abril 25, na may layong 60.9 nautical miles sa silangan ng Rapu-Rapu, Albay.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with